Friday, June 19, 2020

Kung nasabi ko kaya?? (a short story)

“Need companion pa Quiapo/Divisoria for this weekend :-)”
yan ang na-status na nai-post ko sa FB wall ko at nag reply sya ng isang emoji ng lalaking
nataas ng kamay. Yung parang student na nakikipag unahang sumagot sa teacher sa
recitation sa classroom. Nag reply ako ng smiley na may heart ang mata.
Then nag start na tayong mag send ng private message sa isa’t isa. Sabi nya,
gusto niya sana makipag bonding talaga sa mga tropa ng makita nya ang post ko sa FB,
kaya nag volunteer  sya na samahan ako.  Kukunin ko ang gown na pinatahi ko para
wedding ng isang pinsan ko na kilala din nya.


Sa LRT Santolan station kami nagkita. Dahil weekend mas konti ang tao than
usual kaya nakaupo kami. Nag play siya ng music sa spotify nya at nag share
kami ng earphones. Dahil medyo maigsi ang wire ng earphones namin, we
need to get closer.  Sanay naman ako na close na kami, cause we are friends since
grade school at naging super tropa nung high school.  Nagkahiwalay lang kami ng
mag college.  Ako sa Centro Escolar at sya sa San Beda. But we always get in touch,
we go out with our group of friends and once in a while we chat.  Kaya walang
malisya sa akin na samahan nya ako.

November noon kaya marami ng Tiangge at street vendors kaya masikip na at may kahirapan ang paglalakad papunta sa store na pag pi-pick-upan namin ng gown. Nang may biglang nagsigawan, may magnanakaw daw, nagkagulo ang paligid kasi may nagtakbuhan, nagulat ako hindi dahil sa takbuhan at sigawan, kungdi dahil niyakap nya ako na para bang isang protective na bodyguard na pino-protektahan ako para hindi ako madamay sa mga taong nagkakabanggaan.  Napatingin ako sa kanya, sya din naman napatingin sa akin.  Naramdaman ko ang biglang pagbilis ng heartbeat ko at pati ng … heartbeat nya at tingin ko hindi lang dahil sa nagtatakbuhan sa paligid, hindi lang dahil sa may sumigaw ng magnanakaw, kungdi dahil may iba akong naramdaman.

Mabilis na hinawakan nya ang balikat ko, at inilayo ako sa nagkakagulo… dinaan na lang
namin sa tawanan ang nangyari.  Pilit ko inalis sa isip ako ang kakaibang feelings na
naradaman ko.  Kinuha namin ang gown at nag decide na lumipat na lang sa isang mall
malapit sa lugar namin at dun na lang kumain.  After naming kumain, medyo nag window
shopping at inihatid nya ako pauwi.

Nakahiga na ako at nagpapaantok ng mabasa ko ang status nya, “what a long day…
but I had fun with her…” Ang daming nagtanong ng pabiro kung anong “fun with her”
ang meaning ng post nya, wala syang sinagot kahit isa at puro like lang ang reply nya.
Napangiti lang ako.

Yun ang simula, ang simula na maiba ang tingin ko sa kanya.  Nagsimula na
ma-conscious ako sa aking itsura kapag alam kong makikita ko sya. Nagsimula
na gusto kong magustuhan nya din ako di lang bilang kaibigan ngunit bilang
isang higit pa sa isang kaibigan.

Nagpatuloy na naging ganun ang feelings ko sa kanya.  Nagpatuloy na lagi siyang
nandyan pag kailangan ko siya.  Nagpatuloy na magpakita sya sa akin ng attention
na feeling ko sa akin nya lang ibinibigay.  Minsan pa sinasadya niya akong hintayin sa
Legarda Station ng LRT para sabay kami makauwi.  Hanggang makatapos kami at
magsimulang magtrabaho.

Mas dumalang na kami magkita; mas dumalang na nakikipag bonding sya sa aming
mag to-tropa; mas dumalang na nag eeffort sya para sa pasayahin or i-comfort ako.
Hanggang hindi na kami nagkita.

Ang balita ko na lang, nag abroad sya,  hindi din sya nag me-message sa FB,
o kahit man lang mag post sya tungkol sa kanyang bagong buhay. Parang
bigla-bigla naglaho sya.


Naisip ko lang, kung nasabi ko kaya sa kanya noon na may feelings ako para
sa kanya, kung naitanong ko kung may feelings din sya, naging masaya kaya kami? 
O mas napaaga pa ang pag iwas nya sa akin?

No comments:

Post a Comment